Health Care in Canada sucks

I went to emergency three months ago because for I week, there was blood in my stool. I came and and the receptionist asked for my care card. I proceeded to the nurse’s station, they checked my vital signs and asked several questions. After that, they said to wait. After half an hour, they called me and told me that to go to the room they pointed. I went there, laid on the hospital bed wearing the gown. I waited and didn’t notice the time. Phlebotomist entered and extracted blood, a nurse had put a machine on my finger to monitor my pulse rate, a doctor came in to check me. I waited for four hours, they didn’t give me any medication and referred me to a gastroenterologist.

Now, three months had passed, the assistant called me and said when I am available for the check up. I said a date, which is today.

Since I was coming from work, and it was so busy, I finished a little late but informed the receptionist that I will be 15 minute late. I arrived at the exact time I predicted. The receptionist then called my name and that I can go inside the doctor’s office.

I came in, the doctor asked me questions. I also told her that my upper part of abdomen, which is the left side is painful. It is tolerable but it doesn’t go away, with or without food. She asked me if I wanted to do a colonoscopy just for my peace of mind, but she said most likely she will not find anything. She said that what I have is Irritable Bowel Syndrome and hemorrhoids, that’s why there’s blood.

I just thought, is it possible for a doctor to diagnose you without even doing a physical exam? She didn’t even do physical assessment. Where’s the inspection, palpation, percussion and auscultation? She just looked at me and said that I have hemorrhoids, to think that she is specialized particularly in GIT. I noticed that almost all doctors in Canada are like that. We don’t have a free health care, but it is cheap. Is this how a patient is being treated just because it is cheap? Whatever condition a patient is, looking normal or not, should receive the same treatment with other patients who don’t look normal. And what the heck, you can’t even say more than one complaint. If you have a stomach ache, and you have pain on another part of your body, you have to set another appointment.

But I don’t have a choice but to live in such a place where doctors are very neglectful, doctors who are supposed to thoroughly perform a physical examination on you but they don’t. A first world country with this disregardful medical attention is ironic.

Advertisements

Tatlo, tres, three

Tatlo. Meron lang tatlong dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Kung iisipin mo, sapat ba ito para sabihin mo ngang gusto mo ang isang tao? Kung ano man ang sabihin mo, wala na akong pakialam dahil tatlong bagay lang kung bakit niya napatibok ang puso ko. Una, nakakatawa kasi siya. Alam mo un tipo ng taong, kahit ang corny, o kahit parang nakakawalang respeto eh matatawa ka pa rin? Palibhasa, ang slow ng utak ko, kailangan ko munang ulit-ulitin yun mga sinabi niya. Ang boring lang ng reaksyon ko, ni hindi man lang matatawa dahil hindi ko man lang na gets, pero pagtapos ng ilan minuto, o minsan inaabot pa ng araw, ay tsaka ako matatawa sa sinabi niya. Katangahan nga naman. Ikalawa, dahil may pangarap siya sa buhay. Hindi ko alam kung dahil ba mukhang wala na akong pangarap sa buhay kaya nabibigyan ko siya ng pansin. Hindi ko alam kung dahil pareho kami ng kurso, ako ay natapos na at siya ay wala pa sa kalahati. Pag memedisina, na kayang kaya niya abutin, pero pag titingnan ko na ang aking sarili, parang ang hirap tuparin. Ikatlo, dahil mahal na mahal pa rin niya ang babaeng pinaghihintay siya. Kadalasan, kapag normal kang tao at sinabi sayong may mahal na siyang iba, lalayo ka. Pero iba ako eh. Sabi nila wirdo, pero ang tamang salita ay bobo. Bobo ng puso kong umibig sa isang taong patuloy na umiibig at umaasa sa iba.

Tatlo. May tatlong rason kung bakit kailangan ko ng parayain kung ano man ang nararamadaman ko sa kanya. ‘Wag ka nang humanap ng mas marami pang dahilan dahil tatlong bagay lang kung bakit ayoko nang lumalim pa ang nararamdaman ko. Una. Dahil ang layo namin sa isa’t isa. Nasaan ba ako? Nasa pinaka-kanluran ng mundong ito. Nasaan siya? Nasa lupa ng Perlas ng Silangan. Hindi pa nga kami nagkikita, grabe na ako mag-inarte. Minsan, sabi nalang ng utak ko: “Hoy gaga! Umayos ka nga! Iyak iyak ka diyan e hindi mo nga siya lubusang kilala. Best actress ka rin noh?” Ikalawa. Ang layo ng agwat ng edad namin. Sasabihin niyo na naman: “age doesn’t matter, age is just a number.” Madaling sabihin pero parang hindi siya realidad. Nagdodota pa siya habang ako bumubuo na ng plano magpamilya. Ayokong masabihan na cradle snatcher, kailangan pa niya munang ubusin yun gatas niya, at baka pag naubos niya yun, pwede na maging kami. Pero hindi, dahil baka sa panahong iyon, natuyo na lahat ng egg cells ko, scrambled, boiled or kung swertehin, poached na. Ikatlo. Sa totoo lang, yun dalawang dahilan, wala lang sa akin, okay lang sa akin. Pero itong pangatlong dahilan, ito ang rason kung bakit ayoko na. Ayoko na dahil, ayaw niya akong kausapin. Nagsimula kami bilang magkaibigan. Kaibigan lang naman talaga tingin ko sa kanya eh. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago. Masyado ko ba’ng na-romanticize ang pagiging close namin? Masyado ba akong sabik sa atensyon ng lalaki? Yun sa tingin kong wala nang patutunguhan itong nararamdaman ko, yun pakiramdam na gusto ko pa siya kausapin, kahit walang malisya, pero hindi kana sinagot pa. Alam mo yun parang wala siyang gana kausapin ka, kasi pagtapos niya buksan ang facebook message mo, babasahin niya lang at hindi na marereply-an. Hindi raw kasi ka-reply reply, in short, na-seen zone ka lang. Masaya naman na akong ma-seen zone, kaysa naman ma-delivered zone lang, yun tipong ‘di man lang mag magsikap buksan yun mga mensaheng ipinadala mo.

Tatlo. Tatlong araw na ang lumipas mula nang kausapin ko siya. Tatlong araw na ang lumipas nang magpadala ako ng mensahe at hindi niya sinagot. Masakit ipilit ang sarili sa taong ayaw sa’yo. Masaya naman akong maging kaibigan mo lang, hindi naman ako umaasa ng kahit ano.

Tatlo. Tatlo lang ang ipinagdadasal ko para sayo. Una. Sana ay matupad mo ang mga pangarap mo sa buhay, kung ano man yan. Alam ko mahirap, mahirap sa umpisa pero alam kong masipag at matiyaga ka, kakayanin mo yan. Ikalawa. Sana ay kung sino man ang babaeng pipiliin mo at mamahalin, sana ay mahahalin ka rin tulad ng pagmamahal na ibibigay mo. Isa ka sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko at kung prinsesa ang pagtrato mo sa babaeng iyon, sana ay isang prinsipe ang pagtrato niya sayo. Ikatlo. Sana ako nalang. Sana ako nalang ang iyong piliin at mahalin. Maghihintay ako, maghihintay at aasa sa walang pag-asa, o maghihintay na ang pagmamahal ko sa’yo, tuluyan nang mawala.

Cinderella sa tunay na buhay

Bata ka palang, naniniwala kana sa fairy tale, na may kanya kanya tayong prinsipeng magliligtas sa isang prinsesa tulad mo, na kahit walang perang maibibigay ay handa parin tanggapin at mahalin. Pero hindi fairy tale ang buhay, hindi ka isang babaeng nakatira sa bahay kasama ng iyong ina-inahan at dalawang kapatid na babae na hindi mo kadugo, na inaapi ka, at sa huli ay makakasayaw ang prinsipe, tutunog ang orasan pagtungtong ng alas-dose, tatakbo palabas at malaglagan ng sapatos, ngunit patuloy na kakaripas. Sa huli ay makakasama ang prinsipe at magpapakasal sa harap ng altar.

Ikaw ay isang ordinaryong babae, isang ordinaryong nilalang na kailangan magtrabaho para mabuhay, na halos lahat ng lalaking nakikilala ay sila ang kakaripas palayo sa iyo, na hindi sila ang inaakala mong prinsipe sa fairy tale na ibibigay lahat makuha lang ang iyong kamay, ang prinsipeng sasamahan ka panoorin ang paglubog ng araw sa tabing dagat.

Ngunit magtiwala ka pa rin, ibibigay Niya sa iyo ang tamang tao. Hindi ka nag-iisa, pagbutihin mo ang ginagawa mo, patuloy kang maging masaya at magpasalamat ka sa kung anong meron ka. Kasi, sigurado ako, sa tamang panahon, kapag maayos na ang lahat, makikilala mo rin ang iyong prinsipe sa hindi mo inaasahang pagkakataon.

A short conversation between Pessimist, Optimist and Realist.

A short story:

Pessimist: I can’t do it. I am so sad.. I was so hurt and I feel so lonely..

Optimist: I’m sure you can do it! I know that some things don’t happen the way you want you to, but on the brighter side, you earn wisdom and you seek the truth. You grow as a person, you gain friends and you are loved! Just always have a positive mind and smile!

Realist: Yeah. Why don’t you listen to Optimist? According to the British Journal of General Practice (2012), the habit strength, also called the subjective automaticity of the behaviour, shows a significant increase and accelaration of habit-formation until the average of 66 days before it reaches the plateau. A person can make or break a habit by performing a behaviour repeatedly for 66 days which will promote long-term behaviour change. Just try to always think positively for the next 66 days 😄

A woman’s choice

Abortion. I don’t understand why people believe that it must be a right for very woman. It’s a woman’s body and she has to have the choice. Oh what a selfish world we live in right now. Every woman has a choice, but did the unborn baby had a choice? If he or she can live or not live in this world?